Sa patak ng ulan
Sa buhangin, sa atin,
At sa bagang ito,
Nakita natin ang dagat

Ang daloy ng alon,
Ng hangin, ng apoy,
Ng ating damdamin,
Ay dinala tayo sa kalawakan

Nang lumiwanag
Ang buwan, ang tubig,
At ang ating mga mata,
Naging isa ating isipan.

Nasaan ba
Ang ating mundo?
Ika’y nasa nakaraan
Ako’y nasa misteryo

Nilangoy natin ang ilalim
Nilakbay ang ibabaw
Ginuhit ang nasa pagitan
Wala pa rin tayong nakitang kulay

Advertisements